Patuloy ang pagbaba ng presyo ng sibuyas sa ilang pamilihan, gaya sa Metro Manila bunsod nang pagdating ng imported suplay sa bansa.
Batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), umaabot na ng P170 hanggang P300 na lamang ang kada kilo ng presyo ng ilang uri ng sibuyas sa Metro Manila.
Nasa P240 hanggang P250 naman ang presyo ng local red onions habang P200 hanggang P250 naman ang kada kilo ng imported.
Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Rex Estoperez, sa ngayon ay wala silang nakikitang kakulangan sa suplay ng sibuyas sa bansa dahil sa pagsisimula nang anihan sa unang linggo ng Pebrero.
Magugunitang umabot hanggang P720 ang kada kilo ng sibuyas sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng suplay nito noong Disyembre.