Nakatakdang mag-angkat ng sibuyas ang Pilipinas makaraang maapektuhan ang suplay nito bunsod ng pananalasa ng bagyong Lando.
Ito ang nakikitang solusyon ng Department of Agriculture (DA) upang maremedyuhan ang bumababang suplay nito sa merkado.
Ayon kay Agriculture Asst. Sec. Leandro Gazmin, sa panahon ng Kapaskuhan kadalasang nauubos ang suplay ng sibuyas na sinabayan pa ng pagtama ng kalamidad.
Dahil dito, nagsimula nang tumaas ang presyo ng sibuyas sa P100 kada kilo mula sa dating P70.
Ilan sa mga lalawigang nagpo-prodyus ng sibuyas ay ang Nueva Ecija at Nueva Vizcaya gayundin ang Cordillera at Mt. Province.
Gayunman, tutol ang pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa plano ng pamahalaan na mag-angkat ng sibuyas ang Pilipinas.
By Jaymark Dagala