Umabot na sa mahigit ₱200 ang presyo ng sibuyas sa ilang palengke sa Metro Manila.
Sa tala ng bantay presyo ng Department of Agriculture, naglalaro na sa ₱120 hanggang ₱220 ang presyo ng kada kilo ng pulang sibuyas sa mga pamilihan sa National Capital Region.
Kakulangan sa supply ang sinasabing dahilan ng pagsirit ng presyo ng sibuyas.
Una nang tiniyak ng DA na hindi aabot sa ₱700 ang presyo sa kada kilo ng sibuyas na nangyari bago magtapos ang 2022. – sa panulat ni Charles Laureta