Pumalo na ang presyo ng siling labuyo maging sa Legazpi City, Albay.
Ayon sa mga nagtitinda, mabibili na ang siling labuyo sa halagang P800 kada isang kilo.
Anila, kulang ang suplay at madalas ay galing pa sa Maynila ang mga siling labuyo sa kanilang bayan.
Wala aniyang mga magsasaka ang nagtanim ngayon ng sili dahil siguradong malulugi lamang dahil sa madalas na pag ulan sa lugar.
Kaugnay nito, nag rereklamo na ang maraming karinderya sa lugar dahil sa kamahalan ng sili ay hindi na masyadong maanghang ang kanilang mga inihahaing ulam gaya ng Bicol Express.
Kilala ang mga taga-Bicol region sa kanilang hilig sa maanghang pagkain.