Maaari nang palitan ng mga Social Security System (SSS) member ang kanilang electronic identification cards sa mas murang presyo.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, ibinaba sa P200.00 ang replacement fee para sa unified multi – purpose identification card mula sa kasalukuyang P300.00.
Alinsunod ito sa proposal na inaprubahan ng Social Security Commission sa pangunguna ni Chairman Amado Valdez.
Saklaw aniya nito ang mga miyembrong nais mag – update ng information sa kanilang identification cards.
Gayunman, hindi sisingilin ang mga miyembro kung mismong SSS ang nagkamali sa pag – encode ng data.