Posibleng tumaas na ang presyo ng surgical mask sa bansa.
Ito’y matapos ihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na kanilang irerekomenda sa Department of Health (DOH) na taasan ang suggested retail price (SRP) ng face mask na nakatakdang angkatin ng gobyerno dahil sa nagkukulang na suplay nito.
Ayon sa DTI, tumaas na kasi ang presyo ng surgical mask sa pandaigdigang merkado.
Kaya anila kapag inangkat ito ng gobyerno at ibinenta sa mga botika ay tiyak na magmamahal ito kumpara sa kasalukuyang P12 na SRP.
Dahil dito, sinabi ng DTI na maari na ang kanilang isinusulong na P2 patong ng retailer sa kada piraso ng inangkat na face mask.
Para naman kay Health Secretary Francisco Duque III, wala naman aniyang magagawa kung kinakailangan itong gawin lalo’t kulang na ang suplay ng face mask sa bansa.
Una nang nagtaas nuong nakaraang buwan ang SRP ng surgical mask na mula sa P8 ay naging P12 ito.