Dahil pa rin sa walang prenong oil price hike ay apektado na rin ang presyo ng ticket ng ilang airline companies.
Nabatid na itinaas na ng Airasia Philippines sa Level 7 ang fuel surcharge cost nila mula sa Level 4 o katumbas ng 201 hanggang 768 pesos na dagdag-singil sa ticket para sa domestic flight habang 1,035 hanggang 1,827 pesos naman sa international flights.
Paliwanag ni Steve Dailisan, spokesperson ng naturang airline, ang pagtaas sa fuel surcharge na sinisingil sa mga pasahero ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng jet fuel na ginagamit sa eroplano.
Nilinaw naman ni Dailisan na hindi napupunta sa kita ng airline, kundi sa pambawi lamang sa taas ng presyo ng jet fuel.