Binatikos ng mga netizen ang halaga ng ticket sa reunion concert ng Eraser Heads na gaganapin sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City sa buwan ng Disyembre o bago matapos ang taong 2022.
Nabatid na ito ang muling pagsasama-sama nina Raymund Marasigan, Buddy Zabala, Marcus Adoro, at ang kanilang lead vocalist na si Ely Buendia.
Ibat-ibang reaksiyon ang natanggap ng naturang banda mula sa publiko matapos mawindang sa presyo ng concert ticket kung saan, ang “Moshpit” o pinakamalapit sa entablado ay nagkakahalaga ng ₱17,260; ang VIP ay ₱14,610; ang Platinum ay nagkakahalaga ng ₱12,180; ang Gold ay ₱9,740; Silver ay ₱5,480; at ang Bronze naman ay nagkakahalaga ng ₱3,050.
Ayon sa mga netizen, over price ang kanilang ticket dahil para kana ring nanood sa mga international artist.
Ipinagtanggol naman ng ilang netizen ang Eraser Heads, na huwag nalang mambatikos kung hindi naman bibili dahil deserve parin ng mga Filipino musicians, na maningil ng malaking halaga lalo na kung ito ang kanilang hanapbuhay.