Tumaas na ang presyo ng tilapia sa ilang mga palengke sa Metro Manila.
Bunsod ito ng pagbaba sa suplay ng tilapia kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.
Tulad sa Commonwealth Market sa Quezon City kung saan tumaas ng P20 ang presyo ng kada kilo na tilapia na mabibili na sa P120 mula sa dating P100.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), umaabot sa 15 metriko tonelada suplay ng tilapia ang nawala kasunod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Pagtitiyak naman ng DA, naghahanap na sila ng alternatibong mapagkukunan ng suplay para hindi na rin sobrang maapektuhan pa ang presyo nito.
Samantala, nananawagan ang DA sa mga supplier ng tilapia na huwag samantalahin ang sitwasyon para kumita.