Bababa naman simula sa Abril 19 ang presyo ng tinapay partikular na ang Pinoy tasty at Pinoy pandesal.
Singkuwenta sentimos (P0.50) ang ibababa sa kada pakete ng Pinoy tasty habang P0.10 naman ang itatapyas sa kada sampung pirasong pakete ng Pinoy pandesal.
Ngunit ayon kay PhilBaking President Walter Co, malaki pa sana ang ibababa sa presyo ng tinapay kung hindi naman tumaas ang presyo ng iba pang sangkap tulad ng asukal at shortening.
Idagdag na rin ayon kay Co ang pagtaas sa presyo ng liquefied Petroleum Gas o LPG na epektibo na ngayong araw.
Batay sa monitoring ng DWIZ sa presyo ng asukal, naglalaro na sa P55 hanggang P60 ang presyo ng kada kilo ng asukal.
Ngunit kung pagbabasehan ang Suggested Retail Price (SRP) ng DTI sa presyo ng asukal, nakapako pa rin ito sa P50 kada kilo.
By Jaymark Dagala