Hindi dapat tumaas ang presyo ng tinapay.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, wala pang pakikipag-ugnayan sa DTI ang mga flour millers maging ang mga samahan ng mga panadero kaugnay ng napapaulat na nagbabadyang pagtaas ng presyo ng tinapay.
Binigyang diin ni Castelo na dapat munang masiguro ng ahensya kung may batayan ang hirit na dagdag presyo sa tinapay.
Kung sakali, sinabi ni Castelo na pakikiusapan din nila ang mga panaderya na huwag na lamang magtaas sa kanilang produkto.
Una rito ay inihayag ng Philippine Association of Flour Millers na posibleng tumaas ang presyo ng trigo at asukal sa bansa na mga pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay dahil sa mahigpit na supply nito at kumpetisyon sa world market.
—-