Nakatakda na ngayong araw ang pagbababa sa presyo ng Pinoy tasty at Pinoy pandesal.
Ito’y bilang pagtupad ng ilang mga panadero sa kanilang pangako bunsod na rin ng pagbaba ng presyo ng harina mula sa mga flour millers.
Ayon sa DTI, P1 ang dapat ibaba sa kada loaf ng Pinoy tasty habang P0.25 naman ang dapat ibaba sa kada 10 pirasong supot ng Pinoy pandesal.
Gayunman, inihayag ng grupong Philbaking na hindi lahat ng kanilang miyembro ay magtatapyas ng presyo sa tinapay dahil patuloy na nagmamatigas ang ilang flour millers kahit marami na ang nagbaba ng hanggang P60 sa kada sako ng harina.
Bukas naman inaasahang magtatapyas ng P0.50 hanggang P1 ang commercial tasty at pandesal ng iba pang panaderya.
By Jaymark Dagala