Muling tumaas ang presyo ng tinapay kabilang na ang loaf bread at pandesal bunsod ng pagtaas ng presyo ng harina.
Ayon sa Philippine Baking Industry Group Incorporated, simula pa noong Agosto ay Piso hanggang Dalawang Piso ang dagdag sa presyo ng branded na tinapay.
Ito’y makaraang sumirit sa 68 Pesos ang presyo ng kada sako ng harina mula sa dating 620 hanggang 650 Pesos bunsod ng pagtaas ng presyo ng imported na trigo.
Dismayado naman ang grupong “laBan Konsyumer” sa kawalan ng abiso ng Department of Trade and Industry sa publiko.
Gayunman, iginiit ng D.T.I. na hindi rin naman sila sinabihan ng bread manufacturers dahil hindi basic commodity ang tasty at pandesal.
SMW: RPE