Namemeligro na namang tumaas ang presyo ng tinapay dahil sa delay ng mga delivery ng raw materials.
Ito ang inamin ni Philippine Federation of Bakers’ Association Vice President Luisito Chavez sa gitna ng nagbabadyang global food shortage, na nagsisimula na umanong maramdaman sa bansa.
Dapat anyang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagtatanim ng agricultural crops na magagamit ng mga magtitinapay upang mapababa ang production cost at makabawi ang maliliit na negosyo.
Layunin nitong makamit ang food stability at hindi na masyadong umaasa sa mga imported na raw materials.
Una nang inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang walang puknat na price increase ng oil products, pangunahing food items at paghina ng piso ang nangungunang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.