Walang ibang paraan kundi magtaas ng presyo ng tinapay.
Ito ang katuwiran ng ilang bakery matapos sumipa na rin ang presyo ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay.
Nasa P.50 hanggang P1.00 ang itinaas ng ilang bakery sa sa presyo ng pandesal at iba pang uri ng tinapay.
Binigyang diin naman ni Luisito Chavez, pangulo ng panaderong pilipino na ang patuloy na pagtaas ng mga sangkap tulad ng harina at asukal ang isa sa mga dahilan kayat nagtaas na ng presyo ang mga panadero.
Kasama na rin dito ang pagbulusok ng halaga ng piso kontra sa dolyar at patuloy na sagupaan ng Russia at Ukraine.
Kasabay nito umapela si Chavez sa publiko na huwag gawing basehan ang presyo ng Pinoy Tasty na nasa P28.50 na at Pinoy Pandesal na P23.50 kada sampung piraso.