Tiniyak ngayon ng asosasyon ng bread producers na hindi na gagalaw ang presyo ng mga tinapay hanggang Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay Chito Chavez, Vice President ng Federation of Philippine Bakers Association, mapapako na sa presyo nito ang presyo ng Pinoy tasty, Pinoy pandesal at ilang branded na tinapay basta hindi na tataas ang presyo ng harina.
Paliwanag pa ni Chavez, bumaba na ang presyo ng imported na trigo na ginagamit sa paggawa ng harina.
Maliban dito sinabi ng Department of Trade and Industry o DTI na wala na ring magiging paggalaw sa presyo ng ilang noche buena items gaya ng pasta, fruit cocktail at cream.
Nauna rito, pinaalala ni DTI Usec. Ted Pascua na bumili na habang maaga ng mga ihahanda para sa nalalapit na holiday season.
—-