Tumaas na rin ang presyo ng tuyo sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Mula sa dating P280, aabot na sa P340 ang presyo ng tuyong salinas sa Marikina at ilang karatig lugar.
Ito, ayon sa mga tindera, ay dahil nauubos na ang imbak na frozen fish ng mga supplier habang humina rin ang huli ng mga mangingisda matapos ang pananalasa ng habagat at magkakasunod na bagyo.
Nagmahal din ang presyo ng kada kilo ng dilis at dulong na ngayon ay aabot na sa P600;
Aabot naman P320 ang kada kilo ng tinapang salinas habang P240 sa kada kilo ng tinapang galunggong.