Tumaas ang presyo ng well-milled rice ngayong January 2024.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) , tumaas sa P55.50 ang presyo ng kada kilo ng well-milled rice mula nitong Enero 1-5.
Mas mataas ito kumapara sa dating P54.7 kada kilo na average retail price ng well-milled rice noong ikalawang linggo ng December 2023 at P54.34 noong unang bahagi noong nakalipas na buwan.
Sa kabila nito, inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. na sapat ang stock ng bigas sa Pilipinas at may mga parating na bigas mula sa importasyon. – sa panunulat ni Jeraline Doinog