Nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang Liquefied Petroleum Gas o LPG ang Petron Corporation.
Limampung sentimo (P0.50) kada kilo ang bawas-presyo sa Gasul at Fiesta LPG, epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw.
Sinasabing magpapatupad din ang oil company ng P0.28 per liter na rollback sa kanilang Xtend AutoLPG.
Ayon sa Petron, ito’y bunsod ng paggalaw sa presyo ng contract prices ng LPG ngayong buwan sa pandaigdigang pamilihan.
Batay sa price monitoring ng Department of Energy (DOE), pumapalo mula P430 hanggang P661 ang halaga ng kada tangke ng LPG sa Metro Manila.
By Jelbert Perdez