May naka-amba na namang taas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis ngayong linggong ito.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa P.75 hanggang P.85 ang posibleng dagdag presyo sa kada litro ng diesel at gasolina.
Habang tinatayang maglalaro naman sa P.85 hanggang P.95 ang posibleng umento sa kada litro ng kerosens.
Ito na ang ika-anim na sunod na linggong magtataas ng presyo ang mga kumpaniya ng langis sa kanilang mga produkto.