Nakatakdang mag rollback ng presyo ng kanilang oil products ang Petron Corporation.
6:00 ng umaga bukas epektibo ang piso at dalawampung sentimong bawas sa presyo ng kada litro ng blaze 100 euro 6, XCS at Xtra advance.
Siyam napung sentimo naman ang bawas sa presyo ng kada litro ng turbo diesel at diesel max at piso ang kaltas sa bawat litro ng kerosene.
Sinabi ng Petron na ang oil price rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa international market.