Inaasahang sisirit ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Kasunod na rin ito ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos ang nangyaring pag-atake sa dalawang oil facilities ng Saudi Arabia.
Batay sa global oil trading nitong nakalipas na Setyembre 16 hanggang 18, tumaas ng dalawang piso at limamput siyam na sentimo ang kada litro ng gasolina habang piso at walumput siyam na sentimo naman sa kada litro ng diesel.
Samantala, sa pagtaya ng isang pang source mula sa industriya ng langis, inaasahan namang tataas sa dalawang piso at sampung sentimo hanggang tatlumpung sentimo kada litro ang presyo ng gasolina habang piso at animnapung sentimo hanggang walumpung sentimo kada litro ang diesel.
Maaari namang magbago ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo depende sa magiging resulta ng trading nitong Biyernes, Setyembre 20.