Nakaamba na namang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo simula sa darating na Martes.
Ayon sa mga source mula sa industriya, maglalaro sa 0.20 hanggang 0.40 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa gasolina.
Papalo naman sa 0.10 hanggang 0.20 kada litro ang imamahal sa diesel at kerosene.
Isiniwalat naman ng ilang kompanya ng langis na sumipa raw ang halaga ng ethanol kaya posibleng makadagdag pa ito sa pagmahal ng imported na gasolina.
Wala pang pahayag ang Department of Energy o DOE hinggil sa napipintong oil price hike.