Binabantayan ng National Food Authority o NFA ang presyuhan ng bigas sa pamilihan partikular na sa mga sinalanta ng Super Bagyong Lawin.
Kasunod nito, inatasan na ni NFA OIC Tomas Escarez ang kanilang Regional Field Units upang tutukan kung may magiging paggalaw sa presyo ng bigas.
Kasunod nito, muling nanawagan si Escarez sa publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan kung sakaling may biglaang pagsirit sa presyo ng bigas o ng pangunahing bilihin.
Sa ilalim aniya ng batas, awtomatikong ipinatutupad ang price freeze sa mga pangunahing bilihin tuwing panahon ng kalamidad sa ilalim ng pagdideklara ng State of Calamity ng mga apektadong lugar.
By: Jaymark Dagala