Ipinag-utos ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang pagsasagawa ng preventive maintenance works sa lahat ng flood control facilities sa Metro Manila.
Ito’y matapos na bisitahin ni Abalos ang Libertad Pumping Station sa Pasay para matiyak na nasa maayos ang mga pumping stations.
Ayon kay Abalos, malaki ang papel na ginagampanan ng mga pumping station lalo na para masolusyunan ang pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan.
Kaya’t ani Abalos, magpapatuloy ang kanyang iniutos na regular na paglilinis sa mga pumping stations, maging sa mga estero para masiguro na hindi magbabara ang mga ito sakaling bumuhos ang malakas na ulan.
Sa datos ng MMDA, may pinatatakbo itong higit sa 60 pumping stations sa mga strategic locations sa Metro Manila.
Kasunod nito, umapela si Abalos sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng mga basura para hindi bumara sa mga dinaraanan ng tubig lalo na sa tuwing umuulan.