Pinaigting pa ang pagpapatupad ng preventive measures para mapigilan ang pagpasok ng African Swine Flu (ASF) sa bansa.
Naglagay ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng mas malaki at mas mahabang foot bath sa lahat ng terminal ng NAIA lalo na sa terminal 3.
Mas mahigpit ang pagbabantay ngayon ng BAI kasama ang Bureau of Customs (BOC) at Manila International Airport Authority (MIAA) sa lahat ng processed at unprocessed meat.
Ipinatutupad na ang ‘no meat policy’ sa lahat ng terminal dahilan para kumpiskahin ang lahat ng uri ng karne ng hayop maging ang canned meat.
Ang paghihigpit ng mga ahensya ng gobyerno ay kasunod nang pagkamatay ng mga alagang baboy sa lalawigan ng Rizal na hinihinalang dahil sa ASF.
Samantala, batay sa datos mula sa BOC at NAIA, umaabot na sa mahigit 4,000 kilo ng karne at meat products ang nakumpiska kaugnay sa kampanya kontra ASF.