Umaapela sa gobyerno ang ilang pribadong organisasyon, na payagan silang gamitin ang mga bakuna kontra COVID-19 na kanilang binili bilang mga booster doses, ng kanilang empleyado at mga dependent.
Nasa 26 ang pumirma sa joint statement nitong Martes, kabilang sa mga ito ang Financial Executives Institute of the Philippines, Philipppine Center for Entrepreneurship, European Chamber of Commerce of the Philippines at Management Association of the Philippines.
Ayon sa mga ito, makatwiran ang kanilang apela bilang konsiderasyon sa suplay ng bakuna sa bansa.
Matatandaang sinabi ng DOH, na mga saklaw nang booster rollout kagaya ng mga senior citizens at immunocompromised individuals lamang ang pinapayagang mabakunahan ng extra doses.—sa panulat ni Joana Luna