Maaari nang mag bukas ng klase ang mga pribadong paaralan sa bansa.
Ayon sa Department of Education (DepEd) ito ay kahit wala pang aprubadong general school calendar para sa academic school year 2021-2022.
Gayunman, sinabi naman ni Education Cecretary Leonor Briones, bagamat pinapayagan na nilang mag bukas ang mga private elementary at highschool sa bansa ay hindi pa rin maari ang pagsasagawa ng tradisyunal na face-to-face classes.
Matatandaang, unang sinabi ni Briones na kabilang sa mga pinagpipiliang petsa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng klase ang Agosto 23, Setyembre 6, at 13, kung saan mailalabas lamang aniya ang school calendar kapag nakapag desisyon na ang Pangulo.