Bukas ang pribadong sektor sa hirit ng Department of Education (DepEd) na i-hire sa trabaho ang mga graduate ng K-12.
Sinabi ito ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion bilang tugon sa panawagan ng kagawaran na bigyan ng oportunidad na makapaghanapbuhay ang mga nagtapos sa K-12 program na hindi makapagpatuloy sa kolehiyo.
Paliwanag niya, kung qualified ang isang K-12 graduate sa mga pamantayan sa trabaho ay wala silang nakikitang dahilan para hindi ito tanggapin.
Paglilinaw naman ni Concepcion na hindi nila maaaring diktahan ang pribadong sektor na tumanggap ng K-12 graduates kung hindi ito kwalipikado sa requirements na hinahanap ng mga employer.