Inihayag ng DTI o Department of Trade and Industry na papayagan pa rin ng pamahalaan ang pribadong sektor na makapag-angkat ng bigas upang makatulong sa pagpapatatag sa suplay nito sa bansa.
Ngunit ayon kay DTI Secretary Mon Lopez, kailangan munang makapagbalangkas ng bagong panuntunan hinggil sa rice importation ang Department of Agriculture (DA) upang mapangalagaan ang interes ng mga lokal na magsasaka.
Bagama’t pinapayagan din ang NFA o National Food Authority na makapag-angkat ng bigas kung kinakailangan, hindi naman ito maaaring makapagmonopolya sa importasyon ng bigas.
Giit pa ni Lopez, ang nasabing hakbang ay alinsunod na rin sa pasya ng pamahalaan na tanggalin ang quantitative restriction sa pag-aangkat ng bigas epektibo sa Hulyo ng taong kasalukuyan.
By Jaymark Dagala
Pribadong sektor makapag-aangkat pa rin ng bigas—DTI was last modified: May 9th, 2017 by DWIZ 882