Pinayagan na ng Department of Agriculture ang pribadong sektor na mag-angkat ng Pitong Milyong kilo ng karne sa ilalim ng minimum access volume.
Inihayag ito ni Agriculture Secretary Manny Piñol bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng karne sa mga pamilihan sa bansa.
Naipabatid na ni Piñol kay Executive Secretary Salvador Medialdea ang nasabing desisyon alinsunod na rin sa rekumendasyon ng DA Agriculture Team sanhi ng kawalan ng kooperasyon ng local hog raisers.
Batay sa monitoring ng DA, naglalaro mula 220 Piso hanggang 240 Piso kada kilo ang presyo ng karne sa mga palengke sa kalakhang Maynila.
By: Jaymark Dagala