Pagpapakita muli ng kumpiyansa at tiwala ng pribadong sektor sa pamahalaan ang pakikilahok ng mga negosyante sa mga biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa labas ng bansa.
Ito ang binigyang diin sa Laging Handa public briefing ng political analyst na si Dr. Froilan Calilung.
Ayon kay Calilung, nakakatuwa na nagpapakita ng suporta ang mga malalaking negosyante sa liderato ni Pangulong Marcos.
Mula aniya rito ay nabubuo rin ng Public-Private Partnership o PPP.
Masasabi aniya na isang magandang development para sa Pilipinas ang paglalagak ng tiwala at kumpiyansa sa Presidente ng kanyang tinaguriang mga industrial giants ng bansa.
Sinabi ni Calilu ng na mayroon nang traders sa bansa sa hanay ng imprastraktura, istraktura, sistema, at organisasyon na maituturing aniyang well-established na sa larangan ng pamumuhunan.