Welcome para kay Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian ang ipinatupad na maximum suggested retail price ng Department of Agriculture sa bigas.
Naniniwala si Senador Gatchalian na ang 45-peso per kilo na MSRP ay magsisilbing daan upang magkaroon ng malaking ipon ang maraming Pilipino.
Dagdag pa ng Mambabatas, magiging malaki ang ginhawang hatid ng nasabing price cap sa mga konsyumer na nahihirapan dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.
Kaugnay nito, hinimok ni Senador Gatchalian ang D.A. na magpatupad ng mahigpit na monitoring protocol upang matiyak na naipatutupad ang msrp sa lahat ng mga retail outlets.
Umaasa naman ang mambabatas na magpapatuloy ang mas agresibong hakbang ng pamahalaan para mapababa din ang presyo ng iba pang mga pangunahing bilihin sa bansa. —sa panulat ni John Riz Calata