Hiniling ng Department of Agriculture (DA) sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakasa ng price ceiling sa karneng baboy at manok na umakyat na ang presyo sa kabila ng price freeze na ipinatupad noong isang taon dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar nakasaad sa panukalang Executive Order na hawak na ng Office of the Executive Secretary ang pagpapatupad ng price ceiling sa kasim at pigue sa P270 kada kilo, P300 kada kilo ng liempo at P160 sa bawat kilos ng manok.
Sinabi ni Dar na ang panukalang EO ay inaasahang malalagdaan ngayong linggong ito.
Kapag naaprubahan ng Pangulong Duterte ang panukalang price ceiling ay ipatutupad sa National Capital Region (NCR) sa susunod na 60 araw.