Pinag-aaralan ng Department of Agriculture ang posibleng pagpapataw ng price ceiling sa karneng baboy at manok.
Ito, ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, ay para naman sa mga farm gate at traders.
Kasunod na rin ito nang pagtatakda ng price ceiling sa presyo ng karneng baboy at manok sa loob ng 60 araw sa National Capital Region para sa retailers at public markets lamang simula sa ika-8 ng Pebrero.