Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang panukalang ipako sa hanggang P300.00 kada kilo ng baboy at halos dalawandaang piso naman sa manok.
Ito’y ayon kay Agriculture Usec. William Medrano kasunod ng banta ng ilang magbababoy na tumigil na lamang sa kanilang pagsusuplay sakaling ipilit ang pagtatakda ng price ceilings.
Unang inihayag ng Samahan ng Industriya sa Pagsasaka at Hog Raisers for Luzon na posible anilang magdulot ng kawalang suplay ng karneng baboy at manok kung hindi magbabago ang posisyon ng pamahalaan hinggil dito.
Kasunod nito, hinimok ng laban Konsyumer Incorporated ang kagawaran na kasuhan ang mga negosyanteng magsasamantala sa presyo ng karneng baboy.
Ayon kay Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba, tukoy naman ng gubyerno kung sino ang mga trader na nagdidikta ng presyo.
Una nang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na artificial lamang ang nangyayaring pagsipa sa presyo ng baboy dahil sa pagmamanipula rito.