Inihirit ng isang grupo sa pamahalaan na magtakda na rin ng price ceiling sa mga isdang galunggong.
Ito’y ayon sa grupong pamalakaya ay dahil sa hindi paawat na pagsirit sa presyo ng isda sa merkado.
Ayon kay Pamalakaya National Chairperson Fernando Hicap, dapat aksyunan ng pamahalaan na gawing abot kaya ng mahihirap ang tinaguriang poor man’s fish.
Sa kasalukuyan, pumapalo na sa P160.00 hanggang P280.00 kada kilo ng galunggong sa pamilihan.
Dagdag pa ni Hicap, lalong naghihirap ang publiko dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain dulot ng pandemiya at pananamantala ng ilang negosyante.