Pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan kung palalawigin o hindi, ang price ceiling sa karneng baboy at manok sa National Capital Region o NCR.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nakikitang solusyon ng gobyerno sa kakulangan ng suplay ng baboy ay sa pamamagitan ng pag-aangkat.
Dagdag ni Roque, kailangan rin ng ‘repopulation’ upang mapunan ang nawalang suplay sa baboy dahil sa african swine fever.
Una ng pumalo sa mahigit P400 ang presyo kada kilo ng baboy.
Dahil dito, nagpalabas ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatakda ng presyo ng karneng baboy at manok sa NCR sa loob ng dalawang buwan.
Gayunaman, itinakda na sa P300 ang presyo ng baboy habang P160 naman ang kada kilo ng manok.— sa panulat ni Rashid Locsin