Binalaan ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga negosyanteng nagbabalak pagsamantalahan ang mga konsyumer ngayong panahon ng kalamidad.
Ito’y ayon kay Undersecretary for Consumer Protection Vic Dimagiba ay dahil sa paiiraling price freeze sa mga pangunahing bilihin sa bayang nakataas ang state of calamity.
Ibig sabihin, walang dapat maging paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
“Hindi po ‘yun price control, ‘yun lang pong presyo niya at that time na nag-declare ng sate of calamity, ‘dun muna siya naka-tengga.” Pahayag ni Dimagiba
By Jaymark Dagala | Ratsada Balita