Naglabas ng advisory ang DTI Agusan Del Norte hinggil sa ipinatupad na price freeze, kasabay sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao.
Ipinabatid ni Wyn Palma, Consumer Welfare Division Chief ng DTI Agusan Del Norte, otomatikong ipatutupad ang prize freeze sa lugar na isinailalim sa Martial Law sa loob ng 60 araw.
Sa ngayon, aniya ay patuloy ang kanilang monitoring sa presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas.
Umaasa si Palma na tatalima ang mga negosyante kasabay ng paalala na may kaukulang penalty ang lalabag dito.
By: Meann Tanbio