Ipinagutos ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng price freeze sa mga basic medical supplies sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kasama dito ay ang face masks, nebulizer, at ilang mga gamot tulad ng paracetamol, antibiotics, antihistamine, at iba pa.
Aniya, isa ito sa mga pangangailangan ng mga lugar na nasalanta ng anumang sakuna.
Dagdag pa ng kalihim, ipinatupad ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng epidemya sa mga apektado.
Ilang araw matapos ang pagaalburoto ng bulkang Taal, tumaas ng malaking porsyento ang presyo ng face masks sa Maynila dahil sa ash fall.