Nananawagan sa pamahalaan ang isang kongresista na magpatupad ng price freeze sa essential goods sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity bunsod ng matinding pinsalang hatid ng lindol, partikular sa hilagang Luzon.
Binanggit ni Pinuno Party-list Representative Howard Guintu ang Republic Act 7581 o ang Price Act na nagsasaad na dapat nakapako ang presyo ng mga basic goods sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity o emergency sa loob ng 60 araw o hangga’t hindi inaalis ng Pangulo.
Maliban dito, binigyang diin ni Guintu na dapat siguruhin ng Department of Trade and Industry o DTI at iba pang ahensya ng gobyerno na sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa Abra at iba bang lugar na tinamaan ng lindol.
Mahalaga rin aniya na bantayang mabuti ng mga kinauukulang ahensya na walang magsasamantalang negosyante para hindi na madagdagan pa ang pagdurusa ng mga nasalanta ng lindol dulot ng mataas na presyo ng mga bilihin.