Hindi pa rin maaaring magtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ang mga negosyante sa Luzon kahit pa mataas ang demand ngayong holiday season.
Ito’y ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) ay dahil sa may umiiral pa ring price freeze sa buong Luzon na nasa ilalim pa rin ng state of calamity dahil sa sunud-sunod na bagyo.
Paalala ng DTI, mananatiling epektibo ang price freeze sa Luzon hanggang Enero 17 ng susunod na taon.
Dahil dito, hinikayat ng dti ang publiko na agad isumbong sa kanilang consumer hotline 1348 ang mga mapagsamantalang negosyante .
Sinumang mapatutunayang lumabag ay maaaring pagmultahin ng P5,000 hanggang P2-M at pagkakakulong ng hanggang 15 taon.