Tutol ang isang agricultural group sa pagpapatupad ng price freeeze kasabay ng pagdedeklara ng state calamity sa buong Luzon.
Ayon kay Pork Producers Federation of the Philippines Incorporated Vice President Nicanor Briones, dapat payagan ang sektor ng agrikultura na makapagtaas ng presyo ng kanilang produkto.
Ito aniya ay upang makabawi mula sa pagkalugi ang mga magsasaka, mangingisda at nag-aalaga ng mga hayop mula sa kanilang tinamong pinsala dahil sa sunod-sunod na pagtama ng mga bagyo.
Kasabay nito, binatikos ni Briones ang pagpapahintulot ni Agriculture Secretary William Dar na masakop ng ipinatutupad na price freeze ang sektor ng agrikultura.
Iminungkahi naman ni Briones ang pagbibigay ng cash subsidy sa mga naapektuhang miyembro ng sektor para matulungan ang mga itong muling makabangom.
Samantala, sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, inatasan na ni Dar ang price monitoring team at agricultural business ng DA para balangkasin ang hinaing ng grupo.