Mahigpit na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry o DTI ang price freeze sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Lando.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DTI Undersecretary for Consumer Protection Vic Dimagiba na sa ganitong paraan ay mapoproteksyunan ang publiko laban sa mga mapagsamantalang negosyante.
Ayon kay Dimagiba, pinaiigting ng kanyang ahensya ang pagbabantay katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa imbentaryo ng suplay o mga produkto sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.
“Importante po kasi ang supply dahil sagutin ko po ang tanong sa price freeze kapag po ang supply ay steady, wala po tayong magiging suliranin sa presyo, iiral po diyan ang SRP, doon naman po sa area na nag-declare ng state of calamity, although sinusundan po namin dito sa DTI yung official press statement ng NDRRMC kung ano yung mga lugar.” Pahayag ni Dimagiba.
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit