Nagpatupad na ng price freeze ang Department of Trade and industry o DTI sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity bunsod ng pananalasa ng Bagyong Lando.
Ayon sa DTI, walang dahilan para magtaas ng presyo ang mga negosyante partikular na sa noodles at canned goods dahil sa sapat naman ang suplay nito.
Kasunod nito, tiniyak din ng Department of Agriculture na may sapat ding suplay ng manok at baboy kaya’t wala ring dahilan para magtaas ang presyo nito.
Hindi rin naman apektado ayon sa National Food Authority ang presyo ng bigas dahil sa nakapag-ani na ang mga lugar na sinalanta nito bago pa man dumating ang bagyo.
Gayunman, inihayag ni NFA Administrator Renan Dalisay na babantayan nila ang presyuhan ng bigas dahil sa posibleng pananamantala ng mga negosyante tuwing may kalamidad.
By: Jaymark Dagala