Pinaplantsa na ng Department of Agriculture ang posibleng pagpapatupad ng price freeze sa mga produktong pang agrikultura sa ilang lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette.
Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na sinisilip na ng kanilang ahensya ang availability at presyo ng mga produkto upang matiyak na sasapat ang food supply sa mga apektadong lugar.
Sinabi naman ni Evangelista na hindi apektado ang mga rehiyong nagsusuplay o nagdadala sa Metro Manila kaya sapat umano ang agrcultural products nito. —sa panulat ni Angelica Doctolero