Hindi maaaring magpatupad ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga produktong karaniwang mabili tuwing kapaskuhan.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, ito ay dahil hindi kabilang sa basic o prime goods ang mga noche buena products.
Tiniyak naman ni Castelo na hindi rin nila papayagang magtaas ng presyo ang mga producers at manufacturers ng mga naturang produkto.
Sinabi ni Castelo, sa kasalukuyan ay humiling na ng isa hanggang 3% taas presyo ang ilang mga producers ng mga produktong pang-noche buena tulad ng hamon.
Gayunman, kanila pa aniyang pinag-aaralan kung pahihintulan ang naturang kahilingan.
Samantala, ipinahiwatig naman ni Castelo ang posibilidad ng pagtaas sa Suggested Retail Price (SRP) ng mga itinuturing na basic necessities and prime commodities.