Humingi pa nang kaunting panahon ang Malakaniyang para makapagpalabas ng desisyon hinggil sa panukala ni Department of Agriculture Sec. William Dar kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y kaugnay sa pagpapalabas ng kautusan para magpatupad ng price freeze sa mga pork products na ibinebenta sa merkado kasunod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay Roque, maghintay lamang ng kaunting panahon at tiyak namang aaksyunan ito ng Pangulo.
Dagdag pa ni Roque, galing sa isang authorized cabinet member ang naturang rekomendasyon kaya’t batid ng Pangulo ang importansya ng hinihiling nito na pagpapatupad ng price freze sa mga pork product.
Matatandaan na maging ang presyo ng sili, talong, isda at halos lahat ng mga agricultural product ay nagkaroon narin ng matinding pagtaas ng presyo.