Ilalarga na ng mga kumpanya ng langis ang unang price increase sa kanilang mga produkto ngayong taong 2024.
Taliwas ito sa unang balita na magpapatupad ng rollback ang mga nasabing kumpanya.
Alas dose uno ng hatinggabi ipatutupad ng ilang oil company ang dagdag ₱0.10 sa kada litro ng diesel, gasolina at kerosene o gaas.
Epektibo naman alas sais bukas ng umaga ipatutupad din ng Shell at Seaoil ang kahalintulad na price adjustment habang alas kwatro ng hapon ang Cleanfuel maliban sa kerosene na wala sila.
Ipinaliwanag ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero na ang pag-alagwa ng presyo ay bunsod ng tensyon sa Red Sea at pangamba sa global economy.